SCHOLARSHIP BUKAS SA SHS, COLLEGE STUDENTS SA NAVOTAS
PARA makaagapay sa mga kabataang nais mag-aral subalit walang kakayahan, hinikayat ng pamahalaan ang mga ito na maging benepisyaryo ng UniFAST.
Ang UniFAST o Universal Access to Quality Tertiary Education Act ay programang pagpapaaral ng pamahalaan sa mga deserving student sa senior high school at tertiary.
Sa anunsiyo ng Navotas Polytechnic College, ang mga benepisyaryo ng UniFAST ay maaaring makibahagi sa Commission on Higher Education National Capital Region PinasKolar Community.
Sa ilalim ng UniFAST ay maaaring mag-avail ng iba’t ibang education programs gaya ng Free Higher Education para sa Public HEI, Tertiary Education Subsidy, National Student Loan Program, at TES-TUlong Dunong Program.
Ayon sa state college, may mga estudyante sa Grade 7 mula sa ibang paaralan ang kumuha ng pagsusulit para maging iskolar.
Bukas din ang scholarship para sa senior high school at college students.