Nation

SC ‘DI NA TATANGGAP NG APLIKASYON PARA SA BAR EXAM

/ 18 September 2021

TINAPOS na ng Korte Suprema ang pagtanggap ng aplikasyon para sa 2020/2021 Bar Examinations.

Sa Bar Bulletin No. 27, inihayag ni Bar Examinations Chairperson at Associate Justoce Marvic Leonen na isinara na nila ang application period noong September 15.

“We congratulate those who have fully registered. You are one huge leap closer to taking the Bar Examinations and becoming good lawyers,” pahayag ni Leonen.

Ang susunod na hakbang para sa mga aplikante ay ang pagpili ng venue sa pamamagitan ng Bar Personal Login Unified System o Bar PLUS.

“Please stand by for the e-mail containing instructions on how to do so. As earlier announced, venue-matching will not operate on a first-come, first-served basis; instead, the system will employ an algorithm that will prioritize those from most remote places,” nakasaad pa sa advisory.

Binibigyan naman ng hanggang September 24 ang mga aplikanteng hindi pa nakakumpleto ng registration na makatugon sa mga kinakailangang dokumento.

Kabilang dito ang mga aplikante na nakapag-upload na ng kanilang documentary requirements subalit hindi pa nakakapagbayad ng bar fees o mga nakapagbayad na subalit hindi pa nagre-reflect ang payment sa kanilang accounts.

Kasama rin ang mga aplikante na may kulang pang dokumento at mga aplikanteng nagkaroon ng technical issues.