Nation

SATELLITE-BASED EDUCATION LUSOT NA SA HOUSE PANEL

/ 31 March 2021

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Information and Communications Technology ang mga panukala para sa satellite-based education.

Sa Committee Report 883, inendorso ng panel na pinangungunahan ni Rep. Victor Yap ang House BIll 9070 bilang substitute bill sa House Bill 7081 ni Rep. Joey Salceda.

Sa ilalim ng panukala, mandato ng Department of Information and Communication Technology na i-regulate ang paggamit ng satellite-based technologies sa commercial telecommunications.

Nakasaad din sa panukala na papayagan ang Internet service providers at value-added services providers na magtayo ng sariling networks gamit ang satellite technology.

Sa pamamagitan nito, mas lalawak ang kompetisyon sa mga ISP na magreresulta sa mababang halaga subalit mas maayos na serbisyo.

Hinihikayat din sa panukala ang government organizations, public and non-profit private educational institutions, volunteer organizations para sa edukasyon, environmental management, climate change management, disaster preparedness and crisis na magkaroon ng sariling satellite-based technology para sa kanilang mga aktibidad.

“Satellite-based internet is also becoming more capable of delivering bandwidth similar to that of traditional, fiber-based systems. The specific requirements for connecting to satellite — setting up a hub and a network of so-called very small aperture terminals which could then be used to distribute bandwidth across end-users through cable or Wi-Fi — is ideal for public schools and community centers in remote or rural areas,” paliwanag pa ni Salceda.