SAHOD NG MGA GURO AABOT SA P62K — BRIONES
IPINAGMALAKI ni Department of Education Secretary Leonor Briones na aabot sa P62,000 ang pinakamataas na sahod ng mga guro sa 2022.
Ito ay bago, aniya, matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Briones, nasa P62,449 ang magiging sahod ng mga Master Teacher IV sa susunod na taon.
“So by the end of your term, first we started the highest level for a teacher, Mr. President, perhaps your mother was a Master Teacher but she was even higher than this,” sabi ni Briones sa ulat niya sa Talk to the People.
“When you came in, the salary of the highest teacher grade was P43,000… And by 2022, when you finish your term, your highest teacher, this is Master Teacher IV, will be at 62,449 basic salary, Mr. President,” dagdag ni Briones.
Sa ulat pa ng kalihim, aabot naman sa halos P64,000 ang pinakamataas na sahod ng mga guro sa 2023.
Sinabi ni Briones na bukod pa ito sa iba’t ibang benepisyo ng mga guro.