Nation

SAHOD NG DEPED TV PERSONNEL IBIGAY NA — LADY SENATOR

/ 16 December 2020

BINATIKOS ni Senadora Risa Hontiveros ang kabiguan ng Department of Education na ibigay sa tamang oras ang sahod ng mga TV personnel nito.

“First, our health workers, then, our teachers. Hindi dapat natin pinapayagang maging new normal ang delayed na pasahod o benepisyo,” pahayag ni Hontiveros.

“This is a blatant case of exploitation and violation of our labor laws. Hindi kailanman magiging tama ang kumontrata ng mga empleyado at hindi sila bayaran sa serbisyong kanilang ipinuhunan,” dagdag pa ng senadora.

Ipinaalala ng mambabatas na pinagtrabahuhan ng mga empleyado ang perang kanilang kinukuha, gamit ang kanilang talento at sariling resources at nai-deliver nila ontime ang kanilang output.

Dahil dito, iginiit ni Hontiveros na walang makataong rason para ma-delay ang kanilang sweldo.

“When the Department of Education assured the public that the quality of education is not compromised amid shift to non-traditional modes of learning, perhaps, it should also look after the welfare of its teachers and other teaching professionals and ensure that they do not end up to be the collateral damage,” diin pa ng mambabatas.

Hinikayat din ni Hontiveros ang DepEd na agad nang ibigay ang unpaid salaries ng mga kawani.

“Ang bagong sistema ng edukasyon ay pahirap na para sa mga guro, huwag na nating dagdagan pa ang bigat na kanilang dinadala,” paalala pa niya.