Nation

‘SAGOT FOR SALE’ SA LEARNING MODULES BUBUSISIIN NG SENADO KAPAG MALAWAKAN

KUNG si Senadora Nancy Binay ang tatanungin, nais niyang ipaubaya muna sa Department of Education ang pag-iimbestiga sa ulat ng umano'y 'sagot for sale’ scheme sa self-learning modules upang makasunod ang ilang estudyante sa requirements.

/ 7 March 2021

KUNG si Senadora Nancy Binay ang tatanungin, nais niyang ipaubaya muna sa Department of Education ang pag-iimbestiga sa ulat ng umano’y ‘sagot for sale’ scheme sa self-learning modules upang makasunod ang ilang estudyante sa requirements.

Kasabay nito, sinabi ni Binay na tiwala siyang walang kinalaman ang mga guro sa sinasabing sistema dahil sa kanilang pagpapahalaga sa katapatan at integridad.

“I understand DepEd will be conducting its own inquiry on the matter. We are confident that it can handle the issue about ‘answers-for-sale’ without dragging the entire department,” mensahe ni Binay sa The POST nang hingin ang kanyang reaksiyon sa isyu.

“Sa ngayon, ‘di rin tayo sigurado kung systemic ito, or highly organized in the school level or district level, which we really doubt. Our teachers value honesty and integrity and they will never allow such kind of cheating to happen,” dagdag pa ng senadora.

Sinabi pa ni Binay na kung lilitaw sa report ng DepEd na malawakan ang naturang scheme ay saka dapat pumasok ang Senado sa imbestigasyon.

“Siguro, it may only merit a Senate probe if the reports DepEd gathered confirm that it has reached wholesale scale and to an institutional level. Pero let’s wait first for their investigation, and perhaps we can ask them of the outcome of their inquiry, and their recommended action,” paliwanag pa ni Binay.

Sa panig naman ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian, iginiit niya sa DepEd na tiyaking mabubusisi ang lahat ng isyung may kinalaman sa pagkatuto ng mga estudyante.

“Mayroong lumalabas na balita tulad ng tinatawag na ‘sagot for sale’ na marami rin tayong mga kababayan, mga enterprising kababayan na ino-offer ang kanilang services. Sasagutin ang kanilang modules at babayaran mo sila at ‘yung mga modules po ay sasagutan ng iba. Kaya ito ang mga bagay na kailangang maimbestigahan at tingnan kung nangyayari sa ating mga paaralan,” diin ni Gatchalian.

Nauna nang sinabi ng DepEd na hindi nito papayagan ang naturang scheme at kung mapatunayan na may mga gurong may kinalaman dito ay papatawan sila ng karampatang parusa.