SA KABILA NG MGA BATIKOS DEPED, SEC. BRIONES NANATILING MATAAS ANG APPROVAL RATING
SA KABILA ng mga batikos dahil sa online learning ay nagtala ng pinakamataas na net approval ratings ang Department of Education at si Sec. Leonor Briones sa isinagawang national survey ng Pulse Asia noong Setyembre.
SA KABILA ng mga batikos dahil sa online learning ay nagtala ng pinakamataas na net approval ratings ang Department of Education at si Sec. Leonor Briones sa isinagawang national survey ng Pulse Asia noong Setyembre.
Ang Deped ay nakakuha ng net approval rating na 73 porsiyento na siyang pinakamataas sa mga ahensiya sa executive branch, habang si Secretary Briones ay nagkamit ng 60 porsiyento, ayon sa ‘Ulat ng Bayan Survey Report’ ng Pulse Asia Research
Isinagawa ang survey mula Setyembre 14 hanggang 20, sa kasagsagan ng paghahanda para sa distance learning at noong iurong ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5 mula Agosto 24.
Ang pagkilala kay Secretary Briones ay umangat sa 93 porsiyento mula sa 73 porsiyento (+18 percentage points) noong nakaraang taon, na nagpakita ng mataas na pag-angat sa National Capital Region, Luzon, at Visayas.
Sinabi ni Briones na ito ay nagpapakita na kinikilala ng mga Filipino ang mga ginagawa ng kagawaran upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang edukasyon.
“This only shows that more Filipinos appreciate the commitment and effort of the Department in offering learning opportunities and hope amidst these uncertain times. We will use this trust of our people as motivation in pushing for more reforms in basic education,” sabi ni Briones.