Nation

RECORD-BREAKING NA BILANG NG APLIKANTE SA CADET ADMISSION TEST NAITALA NG PNPA

/ 22 July 2023

UMABOT sa 37,020 indibidwal ang pumasa sa eligibility para makasama sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test ngayong 2023.

Ayon kay PNPA Director Police Brig. General Samuel Nacion, ang mga kwalipikadong aplikante ay mula sa mahigit 108,000 lnagsumite ng aplikasyon mula Enero 1 hanggang Hulyo 15.

Sinabi ni Nacion na ito ang pinakamalaking bilang ng mga kwalipikadong aplikante sa kanilang kasaysayan, na mas mataas ng 16 na porsiyento sa rekord noong 2022.

Isa, aniya, itong kahanga-hangang “achievement” sa kasaysayan ng akademya, na sumasalamin sa lumalaking bilang ng mga kabataan na nais magsilbi sa bayan.

Ang PNPACAT ay isasagawa sa 37 testing centers sa iba’t ibang panig ng bansa sa Agosto 6.