Nation

QUEZON CITY UNIVERSITY STUDENTS MAY LIBRENG LAPTOP

/ 29 November 2020

NATANGGAP na ng mga mag-aaral ng Quezon City University ang pinagamit na laptop ng Quezon City government.

Sa anunsiyo ng QCU sa kanilang Facebook page, noong Biyernes, Nobyembre 27, ang unang araw ng distribusyon ng nasa 9,000 laptops sa kanilang mga mag-aaral, gayundin sa faculty members.

Tiniyak ng pamunuan ng unibersidad, na dating QC Polytechnic University, na working o gumagana at walang depektibo ang mga mga laptop bago i-release sa kanila ng QC government.

Bukod sa learners, ilang faculty members din ang makikinabang sa free laptop para naman sa episyenteng pagtututuro.

Sa pag-release ng mga laptop sa mga estudyante at faculty member ng QCU ay isang kasunduan ang lalagdaan sa pagitan ng unibersidad at ng mga recipient at ito ay dapat ibalik na working at walang silra makaraan ang semestre o school year.

“Maayos ang pamamahagi ng laptops para sa faculty members at students ng Quezon City University at bago ini-release ang mga ito ay ininspeksiyon at nilagyan ng software applications para agad magamit sa online learning,” ayon sa pamunuan ng QCU.

Alinsunod sa kautusan ng pamahalaan, upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyanteng walang learning equipment gaya ng laptop ay babalikatin ito ng gobyerno subalit hindi ito maaaring angkinin at dapat ingatan sa panahon ng paggamit nito.