QC GOV’T NAMAHAGI NG GADGETS SA MGA MAG-AARAL
SA PAGBUBUKAS ng klase kahapon, Setyembre 13, ay namahagi ng learning gadgets ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Partikular na nabiyayaan ng tablet ang mga nasa Grades 4 at 5.
Nasa 15,000 Samsung tablets ang ipinamahagi para ngayong School Year 2021-2022.
Simula noong nakaraang school year, aabot na sa 191,000 tablets ang binili ng pamahalaang lungsod.
Sinabi Mayor Joy Belmonte na ito ay panimula lamang para magbigay suporta sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral para sa distance learning sa gitna ng pandemya.
Binati rin ng alkalde ang mga nagbabalik-eskuwela, mga guro at magulang.
Aniya, kaagapay ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang lahat ng mga magulang, guro at kawani ng paaralan para sa dekalidad na edukasyon ng kabataan.