PUP-LEYTE CAMPUS IPINATATAYO
IPINANUKALA ni Senadora Imee Marcos ang pagtatayo ng campus ng Polytechnic University of the Philippines sa munisipalidad ng Leyte sa lalawigan ng Leyte.
Sa kanyang Senate Bill 1702 o ang proposed PUP-Leyte Campus Act, iginiit ni Marcos ang paglalaan ng kaukulang pondo sa ilalim ng General Appropriations Act.
Sa ilalim ng panukala, magiging bukas ang PUP-Leyte Campus para sa graduate, undergraduate at short-term technical-vocational courses batay sa specialization ng unibersidad.
Nakasaad pa sa panukala na mandato ng PUP sa na magsagawa ng research at extension services sa Leyte Campus, kasama na ang pag-aalok ng graduate at post graduate degrees sa ilalim ng Open University System.
“The PUP-Leyte Campus shall be headed by a Campus Administrator who shall render full-time service and who shall be appointed or designated by the Board of Regents (BOR) upon the recommendation of the search committee and the President, subject to the guidelines, qualifications and standards set by the BOR,” nakasaad sa panukala.
Sa ngayon, ang PUP ay may mahigit 20 campuses at extensions sa Central Luzon, Souuthern Luzon at Metro Manila.
Sa tala, ang PUP ang pinakamalaking state university sa Filipinas na may mahigit 70,000 enrolled students.
Ang munisipalidad naman ng Leyte ay 4th class municipality sa lalawigan ng Leyte na may populasyon na mahigit 40,000 batay sa pinakahuling census noong 2015.