Nation

PUP CAMPUS SA CALAPAN IPINATATAYO

/ 12 March 2021

ISINUSULONG ni Senior Deputy Speaker Doy Leachon ang pagtatayo ng campus ng Polytechnic University of the Philippines sa Calapan, Oriental Mindoro.

Sa kanyang House Bill 8881, o ang proposesd PUP-Calapan Campus Act, sinabi ni Leachon na ang pagtatayo ng campus ay tugon sa human resources development sa kanilang distrito.

Sinabi ng kongresista na sa pamamagitan ng pagtatayo ng campus ay mabibigyan ng oportunidad para sa dekalidad na edukasyon ang mga estudyante mula sa mga bayan ng Baco, Naujan, Pola, Puerto Galera, San Teodoro, Socorro, Victoria at sa lungsod ng Calapan.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang campus ang PUP sa lalawigan na matatagpuan sa munisipalidad ng Bansud na ang karamihan ng mga estudyante ay mula sa ikalawang distrito, partikular sa mga munisipalidad ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Pinamalayan at Roxas.

“There are still a great number of students in Oriental Mindoro who clamor for quality higher education, especially those from the First Legislative District,” pahayag ni Leachon sa kanyang explanatory note.

Batay sa panukala, ang PUP Calapan Campus ay magkakaroon ng short- term technical-vocational courses, expanded associate, undergraduate at graduate course sa Business Administration, Computer and Information Science, Tourism and Hospitality Management, Human Kinetics and Technology at iba pang kurso.

Mandato rin nitong magkaroon ng research and extension services para sa progresibong liderato sa iba pang area, kabilang na ang graduate degree program sa pamamagitan ng open distance learning sa ilalim ng PUP Open University System.