Nation

PUBLIC SCHOOL TEXTBOOKS GAWING E-BOOKS — SENADOR

/ 20 October 2020

UPANG matugunan ang kakulangan ng textbooks sa bansa, iminungkahi ni Senador Lito Lapid na gawing e-books ang mga libro na ginagamit sa mga pampublikong paaralan.

Sa Senate Bill 1881, pinaaamyendahan ni Lapid ang Republic Act 8047 o ang Book Publishing Industry Development Act upang isalang sa scanning at conversion ang mga public school textbook at gawing digital formats.

“In the public school system, a yearly routine at the opening of classes is the distribution of textbooks to all elementary and secondary school students. It is likewise commonplace that such books are limited in number and, as a result, our students are forced to share or borrow from one another,” pahayag ni Lapid sa kanyang explanatory note.

Partikular na tinukoy ni Lapid ang paggamit ng self-learning modules sa panahon ng Covid19 crisis kung saan naghihiraman ang ilang mga estudyante sa isang module dahil sa kakulangan nito.

“Similar to the textbook scenario pre-pandemic, the modules cannot be distributed 1:1 ratio,” diin ni Lapid.

Iginiit ng senador na dahil sa kakapusan ng pondo para sa pag-iimprenta at pamamahagi ng learning modules at textbooks, mahalagang magamit na rin ng gobyerno ang available technologies at innovations upang ma-access ng lahat.

Sa ilalim ng panukala, oobligahin ang mga publisher na lumalahok sa Public School Textbook Program na payagan ang scanning at conversion ng kanilang mga libro sa anumang digital formats, ilang bahagi man o buong libro.

“The e-books and digital format copies of the textbooks shall also be made available and accessible to all public school students, in a manner deemed appropriate and reasonable by the Department of Education,” pahayag pa ni Lapid.