PUBLIC SCHOOL STUDENTS NAPAG-IWANAN NA — SOLON
“TULOY ang edukasyon para sa mga may kaya pero naantala para sa mga mahihirap. Ito ang realidad ng sistema ng edukasyon sa bansa ngayong nasa gitna tayo ng krisis pangkalusugan.”
Ito ang binigyang-diin ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro dahil sa kawalan, aniya, ng kahandaan at kakulangan sa mga batayang kagamitan para makapagsimula ng klase at sa kabuuang kapalpakan sa pamamahala laban sa sakit na Covid19.
Kasunod ito ng desisyon ng Department of Education na iatras ang pagbubukas ng klase sa October 5 subalit binigyang laya ang mga pribadong paaralan na maagang magsimula.
Muling binigyang-diin ni Castro na ang pag-uurong ng pagbubukas ng klase ay bunsod ng kabiguan ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan para sa ligtas at dekalidad na edukasyon.
“Until the government fulfills the basic demands of teachers, non-teaching personnel, students and parents for a safe and quality reopening of schools, quality of education in the public sector will be sacrificed and the safety of teachers, non-teaching personnel, students and their families will be at risk,” pahayag pa ng kongresista.
Muli ring nanawagan ang mambabatas sa administrasyon na ibigay na ang mga lehitimong demand ng mga guro kabilang na ang safety measures, health benefits, internet allowances at sapat na modules sa kanilang mga estudyante.
“The delay in the school opening in public schools only prove the sorry state of our public school system that is vulnerable to disease outbreaks and access and quality can be easily compromised because of continued state neglect,” diin pa ni Castro.