PRRD: ‘WAG N’YONG SIRAIN ANG KABATAAN
BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magtatangkang sirain ang kabataan nang mapadako ang kanyang State of the Nation Address sa usapin ng human trafficking.
“Those who destroy my country, I will kill you. And those who destroy the young people of our country, I will kill you. Talagang yayariin kita,” pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na masakit para sa kanya na makita ang mga Pilipino na nabibiktima ng pang-aabuso sa ibang bansa.
“Masakit sa akin na ang Pilipina pumunta doon para magtrabaho because sexual abuse in some tribes in the Middle East have this notion that if you are a slave or you are a paid person working for them, sexual abuse becomes part of the territory. Kaya diyan ako pumuputok at nakikita ko ‘yung mga pamilya na sira,” pagbibigay-diin ng Pangulo.
Tinalakay rin ng Pangulo ang pagkasira ng ilang pamilya dahil sa paggamit ng droga.
“Itong mga durugista sa baba, itong peddlers, itong basurero tawag — it’s a street lingo — they look for families na may mga nanay, tatay nagtatrabaho — ang tatay or nanay nagtatrabaho abroad. And to think na iniiwan nila ang mga anak nila kung saan-saan na lang, to their neighbors at a tender age of three to four, five, it breaks your heart,” sabi pa ng Pangulo.
“Iiwan lang nila sa kapitbahay kung walang mga relatives. And then when they come back five years, four years after, they now realized that their young sons and daughters have gone into prostitution because of drugs and their boys or the male are nowhere to be found and into the drug business also. Iyon ang pinakamasakit,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.