Nation

PROPOSED DAVAO DEL NORTE STATE COLLEGE LUSOT NA SA HOUSE COMMITTEES

/ 5 September 2020

INAPRUBAHAN na ng House Committees ng Higher and Technical Education at Appropriations ang panukala para sa pagtatayo ng tatlo pang campus ng Davao del Norte State College.

Sa Committee Report 454, pinagsama-sama ang House Bills 5957, 5958 at 5959 bilang House Bill 7537 na naglalayong magtayo ng campuses ng DNSC sa mga munisipalidad ng Carmen at Sto. Tomas at sa Island Garden City of Samal.

Alinsunod sa inaprubahang panukala, ang mga itatayong campus ay mag-aalok din ng short-term, technical-vocational, undergraduate, at graduate courses sa kani-kanilang areas of competency and specialization.

Nakasaad din sa panukala ang mandato ng mga campus na magsagawa ng research at extension services, at upang magbigay ng progressive leadership sa kani-kanilang lugar.

Sa datos, ang DNSC ay may mahigit nang 3,000 estudyante sa 20 undergraduate at graduate programs kaya’t napapanahon nang magtayo ng extension campuses.

Ipinaliwanag sa mga panukala na layunin ng pagtatayo ng karagdagang campus na mas maparami pa ang maabot na indibidwal na makakapagpatala sa state college.