Nation

PROGRAMA VS SUICIDE SA KABATAAN IPINASASAMA SA HEALTH EDUCATION

/ 22 December 2020

BILANG dagdag na pangangalaga sa kabataan, isinusulong ni Quezon City 2nd District Precious Hipolito Castelo ang panukala para sa pagbalangkas ng mga programa laban sa suicide.

Sa House Bill 2489 o ang proposed Suicide Prevention Among the Youth Act, iginiit ni Castelo na marami sa kabataan na hindi nabibigyan ng tamang gabay ay nauudyukan ng pagpapakamatay.

“For the most part, the reasons are superficial and would not warrant such drastic act as to commit sucide,” pahayag ni Castelo.

Sinabi ni Castelo na ilan sa mga kaso ng suicide ay dahil sa kabiguan sa eksaminasyon, romantic pursuit, o dahil napagalitan ng magulang.

Upang maiwasan ang mga ganitong kaso, iginiit ng kongresista sa kanyang panukala na isama sa health education ang instruction para maiwasan ang suicide sa kabataan.

Alinsunod sa panukala, babalangkas ang Department of Education, katuwang ang Department of Health at Department of Social Welfare and Development, ng programa na ituturo sa mga paaralan.

“A unified and strengthened institutional support from the family, the church and academe must be undertaken and an institutional instruction specifically to avert the commission of suicide among the youth must be undertaken,” diin pa ng kongresista.