Nation

PROGRAMA, BENEPISYO PARA SA PASAY LEARNERS TULOY

/ 20 March 2021

TINIYAK ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga mag-aaral sa kanyang nasasakupan na tuloy ang mga programa at benepisyo para sa mga ito kahit pa nahaharap sa mga hamong dulot ng Covid19 pandemic.

“Sa atin pong mga estudyante, ang inyo pong mga allowance ay ginagawan na ng payroll at hinihintay lang po ng Department of Education na makumpleto ninyo ang inyong mga modules at ibibigay na po natin ito,” ayon sa alkalde.

Ipinost din ni Calixto sa official Facebook ng lungsod ang kanyang pagtiyak sa pagtulong sa mga mag-aaral ng Pasay.

Sa ngayon, aniya, ay hinihintay lamang ng DepEd na makumpleto ang modules at saka ihahanda ang allowance ng mga learner.

Dagdag pa ng lady mayor na walang dapat ikabahala ang mga mag-aaral kung nagkaroon ng kaunting antala sa pagpapalabas ng allowance dahil may pondo ang pamahalaang lungsod para sa nasabing programa.

Kapag naisumite na sa DepEd ang mga module ng mga estudyante ay agad na ipalalabas ang kanilang allowance.