PRODUKTO NG MGA MAGSASAKA PINAGAGAMIT SA SCHOOL FEEDING PROGRAMS
UPANG matulungan ang mga lokal na magsasaka at matiyak ang maayos na kalusugan ng mga estudyante, isinusulong ni Camarines Sur 2nd District Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte Jr. ang panukala na gamitin sa school feeding programs ang mga produkto ng mga magsasaka.
Sa House Bill 7493, nais ni Villafuerte na obligahin ang national at local governments na sa mga lokal na magsasaka direktang bumili ng mga produkto para sa school feeding programs at maging sa relief operations.
“Going to school on an empty stomach is very difficult for children and affects their productivity, concentration, critical thinking and creativity,” paalala ng kongresista sa kanyang explanatory note.
Idinagdag pa ng mambabatas na hindi lamang ang physical at mental development ng estudyante ang apektado sa pagkagutom kung hindi nagiging lapitin din ang mga ito sa sakit at disabilities.
“The bill proposes free nutritious food for children in public schools and day care centers, sourced from local farmers. In doing so, we are able to give children nutritious meals to support their development and at the same time support our local farmers,” diin pa ni Villafuerte.
Alinsunod sa panukala, bibigyang prayoridad ng national at local government units ang mga produkto ng mga magsasaka sa kanilang social amelioration policies.
Binigyang-diin naman sa House Bill 7493 na hindi obligado ang national at local government units na bilhin ang produkto ng mga lokal na magsasaka kung ito ay hindi na maaari para sa human consumption, hindi sapat ang dami, mas mahal kumpara sa imported o foreign products at hindi maganda ang kalidad.