PRIVATE SCHOOLS SA PASIG INAYUDAHAN NG LGU
TINULUNGAN ng pamahalaang lokal ng Pasig ang mga pribadong paaralan sa lungsod ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, hindi kakayanin ng mga pampublikong paaralan na tanggapin ang lahat ng enrollees kung magsasara ang mga pribadong paaralan sa lungsod.
“Dahil sa pandemya at paglipat sa online, nahirapan ang mga pribadong paaralan. Kung magsasara sila, ‘di kakayanin ng mga pampublikong paaralan ang bilang ng enrollees,” sabi ni Sotto sa kanyang Facebook post.
“This is why the LGU did its best to help these private schools,” dagdag pa ng alkalde.
Ayon kay Sotto, libo-libong mga iskolar ng lungsod ang nag-aaral sa mga private school.
“We extended the Pasig City Scholarship. This school year, 3,000 out of 18,000 scholars were identified by private school administrators,” sabi ni Sotto.
“We invited their teachers to a certificate course on online learning. Waived regulatory fees until such a time that face-to-face is allowed again,” dagdag pa ng alkalde.