Nation

PRIVATE SCHOOL STUDENTS SA PASIG SWAK SA SCHOLARSHIP PROGRAM

/ 23 September 2020

INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Pasig City na kasama sa mabibigyan ng educational as-sistance ang mga mahihirap na estudyante ng lungsod na nag-aaral sa mga pribadong eskuwe-lahan.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, maglalaan ng mahigit 3,000 scholarship slots para sa private school students ng lungsod para sa kasalukuyang school year.

“Kasama po sila [private school students] sa ating scholarship program this year only,” pahayag ni Sotto sa pamamagitan ng Facebook live.

“Hindi naman lahat ng taga-private schools mayayaman, mayroon ding mga mahihirap pero sa private schools nag-aaral. Mayroon pong private schools na nahihirapan financially at baka magsara na. Kung magsara ‘yun mahihirapan din ang mga pampublikong paaralan natin kasi mao-overload sila sa susunod na school year,” dagdag pa ng alkalde.

Pinayuhan din ng alkalde ang mga mag-aaral na nais mag-avail ng scholarship na mag-inquire na lamang sa kanilang paaralan nang sa gayon ayhindi ma-overload ang scholarship office ng lokal na pamahalaan.

Sinabi rin ni Sotto na sa pakikipag-usap nila sa mga organisasyon ng mga private school sa lungsod, nagdesisyon sila na hati-hatiin ang mahigit 3,000 scholarship slots sa mahigit 100 pri-vate schools sa lungsod.

“So, priority dito lalo na ‘yung mga malilit [na private schools], so equitable naman ‘yung magi-ging sharing natin,” sabi ni Sotto.

“Hindi po lahat ng mga mag-aaral sa private schools matutulungan natin. Pero gagawin natin la-hat ng makakaya natin,” dagdag pa ng alkalde.

Kamakailan ay sinabi ng lokal na pamahalaan na umabot sa mahigit 18,000 l ang mga iskolar ng lungsod para sa taong ito.