PRIORITY INFRASTRUCTURE PLAN SA SUCs PINABUBUO
NAIS ni Senadora Pia Cayetano na bumalangkas ang Commission on Higher Education ng five-year priority infrastructure plan para sa state universities and colleges.
Sa pagsusulong ng Senate Bill 64 o ang proposed Priority Infrastructure for Public Higher Education Institutions Act, binigyang-diin ni Cayetano na batay sa pag-aaral, makatutulong nang malaki sa magandang resulta ng pag-aaral ng mga estudyante ang dekalidad na infrastructure facilities.
“However, SUCs in a great number of areas grieve for educational infrastructure and facilities,” pahayag ni Cayetano sa kanyang explanatory note.
Tinukioy ng mambabatas ang ‘overcrowded’ na mga klasrum na minsan ay ginagamit din ang hallways bilang silid-aralan.
Idinagdag pa ni Cayetano ang kakulangan ng Science at Computer laboratories.
“These conditions are not optimal for learning and likewise for teaching. Poor educational infrastructure impedes the intellectual growth and health of the youth,” diin ni Cayetano.
Batay sa panukala, mandato ng CHED na tukuyin ang mga priority education infrastructure sa mga SUC at bumuo ng five- year plan depende sa pangangailangan.
Alinsunod din sa panukala, bubuo ng isang Inter-Agency Committee na magbabantay sa pagtugon sa plano.
Sa sandaling maging ganap na batas, maglalaan ng P10 bilyong dagdag na pondo sa CHED para sa implementasyon ng plano.