PRE-MARITAL SEX SA REGIONS 1, 7, 11 TUTUTUKAN NG ‘KAPOS SA PONDONG’ SEX EDUCATION PROGRAM NG DEPED
HINDI umano sapat ang pondo para maipatupad ang comprehensive sexuality education sa kabila ng matagal nang pagkakalatag ng Department of Education ng mga modules para rito, ayon kay Commission on Population and Development Undersecretary Juan Antonio III.

Nais ipasok ang pag-aaral ng CSE sa mga estudyanteng nasa ika-limang baitang pataas upang maiwasan ang pagdami ng kabataang nabubuntis.
Subalit nilinaw naman ni Antonio na hindi mamimigay ang DepEd ng mga contraceptives sa mga estudyante kundi tanging impormasyon at kaaalaman lamang ang ibabahagi nito.
Plano rin ng DepEd na unahing ipatupad ito sa mga rehiyong I, VII at XI dahil sa mataas na bilang ng pre-marital sex.
Maglulunsad din ng mga programa para sa mga magulang upang sila mismo ang gagabay sa kanilang mga anak, dagdag ni Antonio.
Sang-ayon din si Commission on Higher Education Prospero “Popoy” De Vera III na isama sa kurikulum ang CSE para matutunan ang birth control subalit hindi ito maaaring gawan ng panibagong asignatura.
Tatalakayin sa ilalim ng CSE ang human sexuality, epektibong paggamit ng contraceptives at pag-iwas sa mga sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik.