Nation

POSTGRADUATE SCHOLARSHIP SA MGA GURO ISINUSULONG

/ 14 April 2021

ISA pang panukala na magbibigay ng scholarship sa mga guro na nais pang magpatuloy ng pag-aaral ang isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang House Bill 2609 o ang proposed Public School Teachers Scholarship Act ay inihain ni Batangas 4th District Lianda Bolilia.

Layon ng panukala na mabigyan ng postgraduate scholarship ang mga public elementary at high school teacher sa state colleges and universities.

Sa kanyang explanatory note, binigyang-diin ni Bolilia na sa kabila ng mga probisyon sa Konstitusyon, nananatiling underpaid at overworked ang mga public school teacher.

“It is no wonder that many of our quality teachers are now teaching or are working as caregivers or domestic helpers abroad,” pahayag pa ni Bolilia sa kanyang explanatory note.

Sinabi ng kongresista na layon ng kanyang panukala na mapaganda pa ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng paniniguro na ang mga mismong educators ay may natatanggap na quality education.

Sa kanyang panukala, pagkakalooban ng scholarship grant para sa buong tuition sa postgraduate education ang mga guro na nasa aktibong serbisyon sa loob ng tatlong taon.

Dapat ding may permanent position ang guro, walang nakabimbing administrative o criminal case, may very satisfactory performance rating sa nakalipas na dalawang taon, physically at mentally fit, pasado sa graduate mental ability test ng SUC at may average na 2.25 sa kanyang college transcript of records.

Sa sandaling makatapos ng postgraduate program ang guro, obligado pa rin itong magserbisyo sa ilalim ng Department of Education ng hindi bababa sa apat na taon.