Nation

PORNO SITES TIYAKING ‘DI ACCESSIBLE SA YOUNG LEARNERS – LAWMAKER

/ 22 October 2020

NAIS ni Parañaque City 2nd District Rep. Joy Myra Tambunting na tiyakin sa batas na hindi mabibigyan ng access sa pornographic websites ang mga menor de edad upang masiguro na magagamit lamang ang internet connectivity sa mga makabuluhang bagay.

Dahil dito, inihain ni Tambunting ang House Bil 7825 o ang proposed Restricted Access of Minors to Obscene and Pornographic Materials Act.

“Truly, our nation has progressed in the Information and Communications Technology arena, and with all these advancements people can now easily access all kinds of information through the internet — even obscene and pornographic entertainment,” pahayag ni Tambunting sa kanyang explanatory note.

“With easier access to the internet, the youth easily have access to mature entertainment that is not appropriate for their ages and all kinds of obscene shows and materials,” dagdag pa ng kongresista.

Sa ilalim ng panukala, aatasan ang mga business establishment na nakalinya sa computer at internet services na maglagay ng filters o parental control programs upang mai-block o mai-filter out ang pornographic internet contents sa mga computer unit at maglagay ng signages na bawal sa menor de edad ang pag-access sa pornographic materials.

Mahigpit ding ipinagbabawal sa panukala ang pagbebenta at pamamahagi ng pornographic printed materials at videos sa anumang format sa mga minor.

Inaatasan din sa panukala ang mga Sangguniang Kabataan na bumuo ng grupo ng kabataan katuwang ang barangay officials na magmomonitor sa pagsunod ng mga computer shop at business establishment sa mga probisyon ng batas.

Sa ilalim ng panukala, kakanselahin ang business permit ng mga computer shop o iba pang establishment na lalabag sa batas habang ang mga indibidwal na mang-iimpluwensiya sa kabataan ay papatawan ng parusa alinsunod sa Revised Penal Code.