Nation

POLICE FORCE MAY DAGDAG NA 214 LIEUTENANTS MULA SA PNPA

/ 22 April 2021

MAKARAAN ang ika-42 Commencement Exercises sa Philippine National Police Academy sa Camp Castaneda, Silang, Cavite kahapon, awtomatikong madaragdag sa police force ang 214 bagong graduates nito.

Ang ibang mga nagsipagtapos ay mapupunta naman sa Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.

Ito ang kinumpirma sa The POST  ni PNPA Director, Maj. Gen. Rhoderick Armamento kasunod ng pagtatapos ng 254 miyembro ng PNPA Hinirang Class of 2021.

Pinangunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang virtual format na graduation day.

Gaya ng inaasahan, commendation sa 254 miyembro ng PNPA Hinirang Class of 2021 ang inihayag ng Pangulo at hinimok ang mga ito na  maglingkod nang taos sa puso.

Pinuri rin nina PNP Chief Debold Sinas at Armamento ang mga bagong graduate na bagaman mahirap dahil sa ikinikintal na disiplina ng akademya ay nakapagtapos ang mga ito.

Pinasalamatan din ni Armamento ang command group, mga guro at mga magulang na hindi nagpagapi sa hamon ng Covid19 pandemic para gabayan ang mga nagsipagtapos para maging matagumpay sa pag-aaral.