Nation

PNPA TODO BANTAY SA HAZING

/ 10 October 2022

KASABAY ng paghahanda para sa admission test ng magiging bagong batch ng mga mag-aaral sa susunod na taon, puspusan ang monitoring sa kasalukuyang mga kadete lalo na ang plebo sa loob ng Philippine National Police Academy sa Camp Castaneda, Silang, Cavite.

Ayon kay PNPA Director, Brigadier General Eric E. Noble, upang mapangalagaan ang mga kadete na inaasahang susunod na mga lider ng bansa, pinaigting pa nila ang paghuhulma sa disiplina.

Kasabay ng pagkatuto ng mga ito sa mga aralin ay ang kaalaman sa karapatang pantao.

Sinabi ni Noble na hindi lang dapat mahusay sa mga aralin, kundi sa mga pananaw, malugod na sumusunod sa doktrina at batas at pagrespeto upang hindi na bumuo ng anumang samahan na nag-uudyok para magkaroon ng initiation rites o hazing.

Bagaman naging abala sa screening sa PNPA Cadet Admission Test at ngayon ay para naman sa examination, prayoridad pa rin ang monitoring para hindi makalusot ang hazing, ayon sa PNPA director.

“We are busy para hindi makasingit ang hazer,” ayon kay Noble.