Nation

PNPA NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG PAMBANSANG ARAW NG MGA KATUTUBO

/ 10 August 2021

NAKIISA ang buong Philippine National Police Academy sa pagdiriwang ng Pambasang Araw ng mga Katutubo, Agosto 9.

“Sa ngalan ng mga kawani at kadete ng PNPA, nais kong iparating ang aking pinakaiminit na pagbati sa lahat ng mga kasapi ng mga katutubong komunidad sa buong bansa,” bahagi ng mensahe ni PNPA Director, Maj. Gen. Rhoderick Armamento.

Sinabi ni Armamento na kinikilala ng PNPA ang napakahalaga at maraming mga kontribusyon ng  mga katutubo sa pagbuo ng bansa, pangangalaga ng pagkakakilanlan, kultura at lahi na matapang na tumayo upang protektahan ang integridad at soberenya ng bansa mula pa noong simula.

Ang PNPA, bilang pangunahing institusyon na nagsasanay at nagtuturo sa mga magiging pinuno ng Tri-Bureau sa hinaharap, ay umuugnay sa tema ngayong taon: “Karunungan ng mga Katutubong Pamayanan: Limang daang taon ng pagtatanggol at pagyayabong, ipagpatuloy sa pangalawang dekada ng katutubong edukasyon.”

“Lagi nating tandaan na ang edukasyon ay hindi limitado sa mga may pribilehiyong kakaunti, ang kahalagahan ng ating mga pamayanan na katutubo ay gumaganap ng isang nakakahimok na interes sa pamantayan ng pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa, sa gayon, ay dapat manatiling may kaugnayan sa modernong mundo,” sabi pa ng PNPA director.

Idinagdag pa ng heneral na ang PNPA ang pinakamataas na institusyon ng kahusayan at disiplina sa bansa na patuloy na umaakyat nang mataas sa pandaigdigang arena taglay ang itinatanging mithiin ng dakilang ninuno na si Lapu-Lapu na ipinaglaban ang Kagalang-galang at Mahal na Inang bayan mula sa mga banta ng pagsalakay.