Nation

PNPA MULING NASUNGKIT ANG BEST MOOTER AWARD

/ 21 December 2020

SA IKALAWANG sunod na taon at bagaman hindi isang law school institution ay nasungkit ng Philippine National Police Academy ang Best Mooter Award at tinalo ang best law school student contenders mula sa University of the Philippines-Diliman, De La Salle University, Ateneo De Manila at Saint Louis University at iba pang best performing law schools sa bansa.

Nakamit ni PNPA Cadet 2C Crizaldo Uy Barcarse Jr. ang Justice Leonor Ines Luciano Best  Mooter Award.

Pinarangalan naman ng National Moot Court Competition ang Top Performing Law Schools sa bansa at ang mga ito ay ang UP Diliman College of Law, De La Salle University Manila, Ateneo De Manila University, Saint Louis University Baguio, University of Iloilo, Our Lady of Fatima University, University of the Cordilleras, University of Batangas, Bukidnon State University, at ang Philippine National Police Academy, na nag-iisang non-law school institution na lumahok sa nasabing kompetisyon..

Noong isang taon ay nakamit din ng PNPA ang parangal sa katauhan naman ni Cadet 1C Kenneth Van Encabo, na ngayong taon ay acting assistant coach ng  PNPA Moot Team.

Magugunitang noong Oktubre 28 lamang nabigyan ng komendasyon si Encabo dahil sa matagal na lockdown bunsod ng pandemya.

Mismong sina dating PNP Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan at dating PNPA Director Gilbert Cruz ang nagbigay ng komendasyon kay Encabo.

Sa nasabing petsa, kasama sina BFP Chief Jose Segundo Embang Jr. at iba pang Command Group ay itinaas ni Cascolan ang morale ng PNP Moot Team, kabilang sina Bacarse, Encabo, 3C Mary Louise Moyano, at Cadet 3C Mary Rom Montenegro sa paglahok sa kompetisyon.

Ang kompetisyon ay ginanap din noong Oktubre na dinaluhan ng mga intellect scholar at well-known personalities sa larangan ng International Committee for the Red Cross, Senator Dick Gordon, habang isa sa judge ay si  Atty. Lorna Kapunan.

“I commended the competence of PNPA despite being the only non-law school contingent in the tournament,” sabi ni Kapunan.