PNPA DIRECTOR PINALITAN MATAPOS ANG PAGKAMATAY NG ISANG KADETE SA SUNTOK
BALIK sa Camp Crame si Police Maj. Gen. Rhoderick Armamento makaraang palitan siya bilang director ng Philippine National Police Academy kasunod ng pagkamatay ni Cadet 3rd Class George Carl Magsayo bunsod ng panununtok ni upperclassman Cadet 2ndClass Steven Cesar Maingat noong Setyembre 24
Una nang inaprubahan ni Philippine National Police Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang pagtatalaga kay PMaj. Alex Sampaga kapalit ni Armamento.
Habang si Armamento naman ang ookupa sa binakanteng puwesto ni Sampaga sa Directorate for Information, Communications and Technology Management.
Epektibo ang palitan ng puwesto ng dalawang two-star police generals sa Setyembre 29.
Paliwanag ni Eleazar, bahagi ng imbestigasyon ang pagrebisa sa rules and regulation at polisiya sa akademya at kanyang inaprubahan ang pagtatalaga kay Sampaga bilang director ng PNPA.
“As part of the review of rules and regulations and academic policies and aggressive reforms I ordered for the Academy, I already approved the designation of Police Major General Alex Sampaga as the new Director, PNPA,” ayon kay Eleazar.