PNPA CADET NA SUSPEK SA PAGKAMATAY NG KAPWA KADETE KINASUHAN NA
KASONG administratibo at kriminal ang kinakaharap ngayon ni Philippine National Police Academy Cadet 2nd Class Steven Caesar Maingat na awtomatikong magpapatalsik sa kanya sa akademya.
Si Maingat ay nasa kustodiya na ng Silang Police makaraang mapatay niya sa suntok ang underclassman na si Cadet 3rd Class George Karl Magsayo noong Setyembre 23.
Ayon sa PNPA Public Information Office, bukod sa kasong administratibo, nitong Setyembre 27 ay kinasuhan na ng paglabag sa RA 11053 o Anti-hazing Law si Maingat na nagresulta sa agkamatay ni Magsayo.
Una nang sinabi ni PNP Chief PGen Guillermo Eleazar na ang kasong kriminal ay bukod pa sa administratibong kasong kinakaharap ni Maingat na hahantong sa kanyang pagkakasibak niya sa Akadmenya.
Batay sa official death certificate ni Magsayo, na sinsertipikahan ni PLT. Col. Roy Camarillo, MD, ang Medico Legal Officer ng Camp Vicente Lim, Laguna noong Setyembre 25, ang sanhi ng pagkamatay ay “Cardio Respiratory Arrest; exact cause to be determined”.
Sa imbestigasyon, pasado alas-5 ng hapon noong Setyembre 23 ay nagtungo si Magsayo sa kuwarto ni Maingat kung saan limang beses siya umanong sinuntok ng upperclassman hanggang bumulagta ito.
Naisugod pa sa ospital si Magsayo subalit idineklara itong dead on arrival.