PMA ENTRANCE EXAM INIURONG SA SETYEMBRE
MULA sa orihinal na iskedyul na Agosto 16 hanggang Setyembre 19 ngayong taon ay nagpasiya ang Philippine Military Academy na itakda sa Setyembre 2 hanggang Oktubre 2 ang entrance examination ng mga nais maging kadete ng premier military institution.
“The PMAEE will be administered from 02 September to 02 October 2021,” anunsiyo ng PMA.
Tinukoy ng akademya ang 10 testing centers para sa iskedyul na Setyembre 2-4 at ang mga ito ay ang Tabuk City; Bontoc Mountain Province; Tuguegarao City; Gamu, Isabela; Bayombong, Nueva Vizcaya; Laoag City; Vigan City; Cabanatuan City; Tarlac City; Legazpi City; Naga City; Lucena City; Lipa, Batangas; Los Banos, Laguna; Sangley Point, Cavite; at Clark, Pampanga.
Sa Setyembre 16-18, ang PMAEE ay gaganapin sa Davao City; Tagum City; Mati, Davao Oriental; Bayugan City; Cagayan de Oro City; Cotabato City; Kidapawan City; Tacurong City; General Santos City; Zamboanga City; Pagadian City; Dipolog City; Ozamis City; Iligan City; San Jose, Occidental Mindoro; Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio; Philippine Air Force headquarters sa Villamor Air Base; Camp Aguinaldo sa Quezon City; Puerto Princesa City( Baguio City; at Lingayen, Pangasinan.
Ang huling PMAEE schedule ay sa Setyembre 30 hanggang Oktubre 2 sa Kalibo, Aklan; Iloilo City; Bacolod City; Dumaguete City; Catbalogan City; Tacloban City( Tagbilaran City; Cebu City; at Manila.
Ang pagbabago ng iskedyul ng PMAEE ay upang maiwasan ang anumang aberya na maaaring kaharapin ng examinees na nakatira sa may mas mahigpit na kuwarantina.
“The Inter-Agency Task Force guidelines published last July 29 raised the risk-level classifications of provinces, highly urbanized cities, and independent component cities where some of the PMAEE testing centers were affected,” ayon pa sa PMA.