Nation

PMA ENTRANCE EXAM APPLICATION BUKAS NA

/ 9 June 2021

BINUKSAN na ng Philippine Military Academy ang kanilang institusyon para sa mga nais kumuha ng military science o maging kadete ng nasabing akademya.

Sa gitna ng kinakaharap na pagsubok dulot ng Covid19 pandemic, tuloy ang pagbibigay ng PMA ng tiyansa sa mga kabataan na maging bahagi ng Armed Forces of the Philippines.

Sa anunsiyo sa kanilang Facebook page, maaari nang mag-apply para sa entrance examination sa PMA sa pamamagitan ng tatlong paraan.

Una ay sa pamamagitan ng online, pangalawa ay sa e-mail at pangatlo ay walk-in.

Upang hindi masayang ang aplikasyon, dapat ay makatugon sa requirements gaya ng pagiging natural born Filipino citizen, physically fit at may good moral character

Ang iba pang requirements ay kailangang single, at least Senior High School graduate, walang kaso, pasado sa PMAEE, may taas na hindi bababa sa 5 feet kapwa sa lalaki at babae, at least 17 years old and not more than 22 years old sa Abril 1 ng taon ng admission.

Iaanunsiyo naman ng PMA ang eksaktong petsa ng entrance examination na maaaring maganap sa Agosto o Setyembre ngayong taon.