PLASTIC BOTTLES KAPALIT NG LIBRENG IMPRENTA NG MODULES SA MAKATI
INILUNSAD ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Rizal sa Makati ang libreng pag-imprenta ng learning modules kapalit ng plastic bottles.
Ayon sa SK, ito ay bilang tulong sa mga estudyante at guro na kakailanganing magpa-print ng kanilang learning modules at school works.
Bukas ang opisina ng SK Rizal tuwing Martes, Huwebes, at Biyernes, mula 1 pm hanggang 5 pm. para sa naturang proyekto.
Samantala, namahagi ang grupo ng libreng printed modules para sa Alternative Learning System at elementary learners.
Umabot sa 2,000 pahina ng modules ang kanilang unang naimprenta bilang suporta sa mga mag-aaral ng ALS at elementarya, at maging sa mga guro ng mga ito.
Bukod sa learning materials, maaari ring magpa-imprenta ng voters registration forms para sa nalalapit na election.
Ang proyektong ito ay handong ng SK Rizal, sa pangunguna nina SK Chairman Acko Gadiane at SK Kagawad Rhio Bambico, Committee Head on Clean and Green, kasama ang buong konseho.