PINAS PINURI NG UNICEF SA ANTI-CHILD MARRIAGE LAW
PINAPURIHAN ng United Nations Children’s Fund ang Pilipinas makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbabawal sa child marriages sa bansa.
Sinabi ni Unicef Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov na ang pagsasabatas sa Republic Act 11596, o ang “Prohibition of Child Marriage Law”, ay nagpapatibay sa legal framework ng bansa at sa proteksiyon sa mga batang Pilipino.
Nakasaad sa batas na hindi maaaring ikasal ang sinuman na wala pang 18 taong gulang sa civil o alinmang proseso sa simbahan, kabilang sa mga kinikilalang tradisyonal o kultural na paraan.
“(The law) underscores the commitment of the government as a state party to fully implement the UN Convention on the Rights of the Child,” sabi ni Dendevnorov.
Ayon pa kay Dendevnorov, isang paglabag sa karapatang pantao ang child marriage.
“Girls who marry before turning 18 are less likely to remain in school and more likely to experience domestic violence and abuse,” anang opisyal.
Kung ikukumpara sa mga kababaihang nasa edad 20, sinabi niya na ang mga batang babae ay mas mataas ang posibilidad na mamatay dahil sa mga kumplikasyon sa pagbubuntis at panganganak.
“If they survive pregnancy and childbirth, the likelihood of their infants to be stillborn or die in the first month of life is quite high,” paliwanag pa niya.