Nation

PINAS HOT SPOT NG ONLINE SEX ABUSE SA MGA BATA

/ 23 November 2020

Nagpahayag pagkabahala ang isang mambabatas sa Kamara sa report ng United Nation Children’s  Fund  (UNICEF) na nananatiling global hotspot ang Pilpinas sa online sexual abuses.

Mas lalong ikinabahala ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa 80% o 8 sa bawat 10 kabaraang Filipino ang patuloy na nanganganib sa mga sex predators sa social media.

“Imagine, 8 out of 10 Filipino kids are at risk of online sexual abuse as reported by UNICEF and we remain to be a global hotspot for these,” pahayag ni Brosas kaya nagpatawag ito ng imbestigasyon upang makabuo ng mas matapang ng batas na poprotekta sa mga kabataan.

Hindi kinontra ng mambabatas ang nasabing report ng UNICEF dahil sa kasagsagan ng community quarantine dahil sa covid-19 pandemic, lumubo ang bilang ng mga kabataan na ibinebenta online.

Ayon sa mambabatas, kailangan ang agarang aksyon sa problemang ito upang maproteksyunan ang mga kabataan na biktima ng pang-aabuso dahil malaki ang magiging epekto sa kanilang buhay habang sila ay lumabo ng 264.63% ang Online Sexual Abuse and Exploitation o OSAEC case.

Ito ay matapos makapagtala ng 279,166 mula Marso hanggang Mayo 2020, kumpara sa 76,561 na nairekord sa kaparehong panahon noong 2019 at posibleng lalala pa aniya ito dahil sa kalamidad na naranasan ng Luzon dahil sa mga nagdaang bagyo na lalo nagpahirap sa buhay ng mga mahihirap.

“Urgent probe needed over rising online risks for kids amid pandemic, calamity,” ayon pa sa mambabatas dahil ang karaniwang target ng mga sexual predators ay mga kabataan na edad 11 anyos pataas.

Ilan sa mga nasa likod ng mga kasong ito ay mismong mga magulang at kaanak ng mga kabataang biktima dahil umano sa kahirapan bagay na ayaw tanggapin ng mambabatas kaya dapat aniyang tapangan pa ang batas.

“We hope the committee will schedule this investigation at the soonest time possible so that we can work on proposed amendments on our laws to strengthen the protection of children from online predators and organized syndicates,” ani Brosas.