Nation

PILOT F2F CLASSES MALAPIT NA — PALASYO

POSIBLENG mapaaga pa ang pilot implementation ng face-to-face classes sa basic education.

/ 6 July 2021

POSIBLENG mapaaga pa ang pilot implementation ng face-to-face classes sa basic education.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng tuloy-tuloy na pagbabakuna laban sa Covid19.

Tinukoy ni Roque ang ulat ng National Task Force against Covid19 na nasa 11.7 million doses na ng bakuna ang naibigay hanggang July 4.

“The President has decided that for now, with the presence of new variants, ayaw muna niyang isugal ‘yung kalusugan ng mga kabataan. But this will not be the same forever,” pahayag ni Roque.

Ipinaliwanag niya na nais lamang ng Pangulo na mas marami pa ang mabakunahan bago payagan ang pagbabalik ng pisikal na klases.

“Ang sabi naman ng Presidente, ‘Gusto ko munang mabakunahan ang ating mga taumbayan.’ As to how many, hindi natin sigurado po,” diin ng opisyal.

“But with 12 million of our people being vaccinated and with some cities of Metro Manila hitting 70, even 100 percent of their population being given the first dose, sabihin natin na hindi naman po magtatagal at baka posibleng magkaroon na tayo ng pilot,” dagdag niya.

“Antayin lang natin ma-administer pa itong mga bakuna na ito.”