Nation

PILIPINAS GLOBAL HOTSPOT SA ONLINE SEX EXPLOITATION OF CHILDREN, AYON SA IJM

NAIS ni Senadora Imee Marcos na amyendahan ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 at saklawin ang electronic violence.

/ 8 December 2020

NAIS ni Senadora Imee Marcos na amyendahan ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 at saklawin ang electronic violence.

Sa pagsusulong ng Senate Bill 1923, binigyang-diin ni Marcos na batay sa datos ng Philippine National Police, nasa 3,741 ang karahasang naitala laban sa mga babae at kabataan sa gitna ng ipinatupad na lockdown mula Marso 17 hanggang Agosto 7.

“With the dawn of the internet and social media, and people having no choice but to interact with each other through these platforms due to the pandemic, violence against women and children now partakes of a new and more sinister persona-electronic violence,” pahayag ni Marcos sa kanyang explanatory note.

Tinukoy rin ng senadora ang pag-aaral ng International Justice Mission na ‘Online Sexual Exploitation of Children in the Philippines: Analysis and Recommendations for Governments, Industry and Civil Society’.

Sa pag-aaral ay lumitaw na ang Filipinas ay global hotspot sa Online Sex Exploitation of Children kung saan lumabas na naging triple ang internet-based child sexual exploitation sa bansa sa loob ng tatlong taon.

Sa datos, mula 43 sa bawat 10,000 IP addresses na ginagamit sa child exploitation noong 2014, umakyat ito sa 149 sa bawat 10,000 IP addresses noong 2021.

Sa panukala ni Marcos, tinukoy ang electronic violence na kinabibilangan ng unauthorized recording, reproduction, distribution, use, sharing or uploading ng anumang larawan, video o iba pang electronic presentation na nagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan ng mga babae.

Kasama rin dito ang mga sinasabing artistic presentation ng anumang sexually-related verbal o non-verbal expression o gesture ng babae o ng kabataan na maituturing na indecent.

Ipinasasama rin ng senadora sa krimen ang fabrication ng fake information o balita kaugnay sa mga bata o babae.

Ang sinumang masasangkot sa karahasan laban sa kababaihan at kabataan ay mapapatawan ng multang mula P300,000 hanggang P500,000 bukod pa sa pagkabilanggong mula anim hanggang 12 taon.