PHL HISTORY SUBJECT IPINABABALIK SA HIGH SCHOOL
IGINIIT ng grupo ng academe ang pagbabalik ng bukod na subject o dedicated subject na Philippine History sa high school.
Sa paliwanag ni Jamaico Ignacio, pangulo ng High School Philippine History Movement, ito ay upang maunawaan ng mga learner sa high school ang kasaysayan ng bansa at makilala ang mga pambansang bayani.
Ayon kay Ignacio, inalis ang Philippine History subject noong 2014 makaraan ang pagpapatupad ng K-12.
Nagmistula aniyang bahagi na lamang ng subject ang Philippine History na inilagay naman sa curriculum ng mga mag-aaral sa elementarya.
Para kay Ignacio, mas mabuting ang mga mag-aaral ng high school ang mabigyan ng nasabing subject dahil mas mauunawaan nila at maikukuwento ang kasaysayan ng bawat bayani ng bansa.