PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL IPINATATAYO SA DARAGA, ALBAY
ISINUSULONG ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukala para sa pagtatayo ng sangay ng Philippine Science High School sa bayan ng Daraga.
Sa kanyang House Bill 2241, sinabi ni Salceda na mahalaga ang Science and Technology education partikular sa formative years ng isang estudyante.
“At present, there is a continuous development in the field of Science and Technology to ultimately address our needs.” pahayag ni Salceda sa kanyang explanatory note.
Sinabi ni Salceda na malaki ang maitutulong ng pagtatayo ng campus ng PSHS sa Daraga upang mabigyang oportunidad ang mga estudyante para sa proper training sa science-oriented career.
“The establishment of the PSHS-Daraga Campus strives to provide quality and free access to education while addressing the future of its youth,” pagbibigay-diin pa ni Salceda.
Batay sa panukala, ang PSHS-Darga Campus ay magiging integrated sa PSHS Act System sa ilalim ng Republic Act 8496.
Ang pondong kailangan para sa pagtatayo ng campus ay isasama sa General Appropriations Act sa ilalim ng pondo ng PSHS.