PHILIPPINE HISTORY IPINABABALIK SA HIGH SCHOOL SUBJECTS
IPINABABALIK ng ilang kongresista sa high school curriculum ang Philippine History.
Sa House Bill 8621, binigyang-diin nina ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago at Bayan Muna Partylist Representatives Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat ang kahalagahan ng pagtuturo ng kasaysayan ng bansa.
Ipinaliwanag ng mga kongresista na noong 2014, bilang bahagi ng education reforms sa ilalim ng K to 12 program, nagdesisyon ang Department of Educatuon na alisin na ang Philippine History sa curriculum ng high school students.
“Even as the agency provided no pedagogical basis for the move, its Secretary Leonor Briones admitted that government through her office erased Philippine History from the lessons of high school students, claiming that discussions of events in Philippine history are naturaly integrated in several subjects,” pahayag ng mga kongresista sa kanilang explanatory note.
Naniniwala ang mga guro, Philippine historian at sociologist na ginawa ang bagong curriculum para sa Social Studies batay sa topics na binuo ng United Nations National Council for Social Studies.
Dahil dito, iginiit ng mga kongresista na limitado na ang kaalaman ng mga estudyante sa kasaysayan ng bansa.
“In 2020, DepEd through its so-called Minimum Learning Competencies further reinforced the horrific sin of erasing Philippine History from the high school curriculum,” pahayag pa ng mga kongresista.
Napansin ng mga mambabatas na sa ilalim ng curriculum guide para sa Araling Panlipunan sa Grades 7 hanggang 12, hindi nabanggit ang Kasaysayan ng Filipinas.
“The teaching of Philippine history in high school was removed in the curriculum as part of the Department of Education’s so-called education reforms. During a time where tyranny rules our nation, it is more important now that we do not forget the lessons of our history and not let historical revisionists dictate the story of the Filipino people,” hiwalay namang pahayag ni Castro.