PH UNTI-UNTI NANG KINAKAPOS SA GURO
AMINADO si Senate Committee on Basic Education chairman Sherwin Gatchalian na dahan-dahan nang nangyayari ang kakapusan ng mga guro sa Pilipinas at maging sa ibayong dagat.
AMINADO si Senate Committee on Basic Education chairman Sherwin Gatchalian na dahan-dahan nang nangyayari ang kakapusan ng mga guro sa Pilipinas at maging sa ibayong dagat.
“Sa aking observation, dahan-dahan na nangyayari ito. Dahil sa mga pagpunta ko sa iba’t ibang bansa at nakikipag-ugnayan po ako sa ating mga embassy, madalas kong nakakausap ‘yung mga kababayan natin na nagtatrabaho doon at karamihan mga teachers. At nakita ko rin itong trend na nangyayari dito sa Southeast Asia,” pahayag ni Gatchalian.
Sinabi ng senador na nakatakda silang magtungo sa Vietnam upang tingnan ang kanilang education system kung saan marami rin aniyang Pilipino ang nagtuturo.
“Isang dahilan ay dahil ano tayo naturally, bilingual. So marami sa mga bansa dito sa Asia gusto ang mga Filipino teachers dahil magaling sila mag-English at pangalawa magaling sila magturo. At kaya rin ito ay isang bagay na sa kabilang banda masaya tayo dahil may trabaho. Pero sa kabilang banda nakakabahala, concerning dahil mababawasan tayo ng teachers dito sa ating bansa,” pagbibigay-diin ni Gatchalian.
Aminado ang senador na isa sa mga dahilan ng kakapusan ng guro sa bansa ay ang mabilis na paglobo ng populasyon.
“Mga almost 4 to 5 percent ang paglobo ng populasyon natin. Mga 2 to 3 hundred thousand students ang nadaragdag kada taon. At kung matatandaan natin noong 2013, nag K-12 tayo. So ibig sabihin nagdagdag tayo ng dalawang taon rin sa senior high school,” dagdag pa ng senador.
“Nakikita ko rin nga dahil nga merong umaalis ng ating bansa, dahil nga merong global shortage na nangyayari o merong global demand na nangyayari sa mga teachers natin. Marami sa ating mga teachers ay umaalis ng bansa,” dagdag pa niya.