PH BULLYING CAPITAL OF THE WORLD
ANG Pilipinas ang bullying capital of the world dahil sa kakulangan ng guidance counselors sa mga eskuwelahan, ayon sa Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2.
ANG Pilipinas ang bullying capital of the world dahil sa kakulangan ng guidance counselors sa mga eskuwelahan, ayon sa Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2.
Ayon kay EDCOM 2 Executive Director Karol Mark Yee, batay ito sa resulta ng ginawang pag-aaral ng Programme for International Student Assessment.
Lumabas din sa pag-aaral na ang mga Pilipino ang pinakamalungkot na mga mag-aaral.
Epekto rin, aniya, ito ng kakulangan sa guidance counselors na tumututok sa mga ganitong kaso dahil nakasaad sa probisyon ng Anti-Bullying Act na dapat ay may master’s degree ang mga guidance counselor.
Ayon kay Yee, may higit limang libong bakanteng posisyon para sa guidance counselor sa DepEd.
Subalit ang problema, aniya, ay walang nag-aalok ng master’s in guidance counseling sa bansa kung kaya posibleng abutin ng 14 taon para mapunan ang bakanteng puwesto.
Dahil dito, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ginagawan na nila ng paraan ang problema sa tulong ng cabinet cluster.