Nation

PERSONAL NA PROBLEMA NG MGA GURO ‘WAG ISISI SA DEPED — NPTA

/ 6 October 2022

BINUWELTAHAN ng National Parent-Teacher Association ang ACT Partylist sa patuloy na pagkondena sa pamahalaan at alegasyong walang ginagawa ang Department of Education para proteksiyonan ang kapakanan ng mga guro.

Ayon kay NPTA President Willy Rodriguez, kadalasang problema ng mga guro ay baon ang mga ito sa utang at dumarating pa sa sitwasyong nakasanla ang kanilang ATM cards.

Kaya naman labis, aniya, ang paghihirap ng mga ito at ang pagdaing ay nabubuo na mistulang ang sistema na ang may pagkukulang.

Ayon kay Rodriguez, pektado na ang performance ng mga guro dahil sa problema sa pera subalit kung tutuusin ay personal na, aniya, ito.

Suhestiyon ni Rodriguez na sa halip na ibunton ng ACT sa DepEd ang mga nararanasang paghihirap ng mga guro, dapat ay gumawa ng batas.

Halimbawa na, aniya, ang mga lending na nang-aakit sa mga guro para umutang nang umutang at mayroon ding kaso na nakikipag-away ang mga guro sa principal, kaya dapat bigyan ng abogado ng ACT ang mga ito.

“Sila (ACT) ang nasa Kongreso dapat ang gawin nila, gumawa ng batas, ang problema ng mga teacher ay ‘yung mga loan na sana payuhan nila at mayroon ding napapaaway sa mga principal na humahantong sa korte, tutal mayroon silang budget, bakit hindi nila tulungan at bigyan ng abogado,” ayon kay Rodriguez.

Naniniwala naman ang NPTA na ginagawa ng bagong administrasyon ang lahat para maging maayos ang mga guro.