PBB NG MGA GURO POSIBLENG MATANGGAP SA LOOB NG 2 O 3 LINGGO — DEPED
POSIBLENG matanggap ng mga guro ang kanilang 2021 performance-based bonus sa loob ng dalawa o tatlong linggo, ayon sa Department of Education.
POSIBLENG matanggap ng mga guro ang kanilang 2021 performance-based bonus sa loob ng dalawa o tatlong linggo, ayon sa Department of Education.
Ito ay kung maipapasa ng 15 rehiyon ang revised form na kinakailangan ng Department of Budget and Management.
Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na sa ngayon, naisumite na ng Cordillera Administrative Region Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa sa DBM ang Form 1.0 ng school-based personnel, na kailangan para mailabas ang pondo para sa PBB.
“Ang pag-process ng DBM for all the regions will have to be between two to three weeks para i-process kasi nga very voluminous ‘yung recipients ng DepEd so they have to process for 15 regions and usually, it takes two to three weeks,” ani Bringas.
Sinabi ng DBM nitong Lunes na ang isinumiteng Form 1.0 ng 15 rehiyon sa labas ng Metro Manila ay ibinalik sa Personnel Division, Bureau of Human Resource, and Organizational Development para sa revalidation dahil sa mga duplicate na entries.
Ayon sa DepEd, ang mga guro sa National Capital Region ay maaaring tumanggap ng kanilang 2021 PBB na mas maaga kaysa sa iba pagkatapos maglabas ng Special Allotment Release Order ang DBM.