PASUKAN IBALIK SA HUNYO — SENADOR
PABOR si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na ibalik sa dati ang school calendar o mula sa kasalukuyang Agosto na pasukan ay ibalik ito sa Hunyo.
PABOR si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na ibalik sa dati ang school calendar o mula sa kasalukuyang Agosto na pasukan ay ibalik ito sa Hunyo.
Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng insidente sa fire drill sa isang paaralan sa Laguna na nagresulta sa pagkakaospital ng mahigit 100 estudyante.
Ipinunto ni Gatchalian na binago ang pagbubukas ng school year dahil sa Covid19 pandemic at ngayong bumabalik na sa normal ang sitwayon ay mainam na rin aniyang ibalik sa dati ang school calendar.
Ipinaliwang ng senador na mas lohikal ang dating school calendar dahil ang panahon ng tag-init ay pagkakataon sa mga estudyante upang magpahinga at makasama ang kanilang mga pamilya, gayundin ang election season na laging natatapat sa summer season.
Aminado naman ang mambabatas na mangangailangan muli ng unti-unting transition sa pagbabalik sa dati ng school calendar pero dapat pa rin itong gawin.
Samantala, panawagan naman ni Gatchalian sa mga principal, maging maingat at sumunod sa mga protocol sa pagsasagawa ng mga aktibidad ngayong tag-init.
Binigyang-diin ng senador na hindi dapat gumawa ng mga hakbang na maglalagay sa alanganin sa mga mag aaral.