‘PASS OR DROP’ GRADING SYSTEM ISINUSULONG
HINIMOK ni Nueva Ecija 2nd District Rep. Michaela Violago ang Department of Education at ang Commission on Higher Education na payagan ang mga paaralan na magpatupad ng ‘pass or drop’ grading system sa gitna ng bagong sistemang ipinatutupad sa pag-aaral dahil sa Covid19 pandemic.

Sa kanyang House Resolution 1383, sinabi ni Violago na maituturing ang academic year 2020-2021 bilang ‘worst year’ sa mga estudyante sa mga lugar na sinalanta pa ng bagyo sa gitna ng pakikipaglaban sa pandemya.
“Children are now back to zero in terms of distance learning. Learners whose school supplies were swept away by flood waters would have to interrupt their schooling once again,” pahayag ni Violago sa resolusyon.
Binigyang-diin din ng kongresista na kailangang iprayoridad ang mental health conditions, hindi lamang ng mga estudyante kung hindi maging ng mga faculty member.
“Schools must adopt assessment and grading practices that can most meaningfully support student development and respond to diverged situations at this time,” dagdag pa ng mambabatas.
Sa halip na numerical grade, inirerekomenda sa resolution ang pass or drop grading system at bigyan ng konsiderasyon ang mga graduating student at payagan silang maka-graduate.
Ang mga estudyante naman sa higher education institutions na hindi makatutugon sa course requirements ay mas makabubuting i-drop na lamang sa halip na ibagsak.