PASIG MAGTATAYO NG KARAGDAGANG SCHOOL BUILDINGS
SINABI ni Pasig City Mayor Vico Sotto na plano ng lokal na pamahalaan na magtayo ng mga karagdagang school building ngayong taon para matugunan ang problema sa kakulangan ng mga silid-aralan sa lungsod partikular sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Sotto, pagtutuunan nila ng pansin ang pagsasaayos ng mga sirang klasrum at pagpapatayo ng mga bagong school building sa mga susunod na buwan.
Tiniyak ng alkalde na de-kalidad ang mga ipatatayo nilang school buildings.
“Sisiguraduhin natin sa tulong ng ating engineering department at education unit na magiging maayos at wala pong substandard doon po sa mga ipagagawa po natin,” ani Sotto.
“Mayroon tayong monitoring team para ‘yung mga naging problema dati ay hindi na po maulit,” dagdag pa niya.
Itatayo, aniya, ang mga bagong school building sa Nagpayong at Pinagbuhatan.
“Hopefully by School Year 2024-2025 ay handa na po ang bagong school buildings at ‘yung bagong paaralan po mismo na itatayo po natin,” ani Sotto.