PASIG LGU BUMILI NG MGA LIBRO PARA SA K-3 PUPILS
BUMILI ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng mahigit 720,000 libro para sa home reading library kung saan partikular na makikinabang dito ang mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3.
“Reading is one of the most important skills a child can learn. All other subjects can be learned by a child who reads well,” wika ni Pasig Mayor Vico Sotto sa kanyang post.
“Let’s instill the love for reading in the next generation of Pasigueños,” dagdag pa ng alkalde.
Kamakailan lang ay sinabi ni Pasig Rep. Roman Romulo, ang chairman ng House committee on basic education and culture, na dapat turuan nang husto na magbasa ang mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 3.
Samantala, sinabi kamakailan ng lokal na pamahalaan ng Pasig na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagbibigay ng internet allowance sa mga mag-aaral kahit balik na ulit sa face-to-face classes.
Nakipag-partner din ang lokal na pamahalaan sa University of Santo Tomas kung saan 163 science teachers ang magiging iskolar ng lungsod sa UST para sa Certificate in Science Teaching Program.