PASIG HONOR STUDENTS MAY LIBRENG SNEAKERS
UPANG lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral, may alok na libreng sneakers si Pasig City Vice Mayor Christian ‘Iyo’ Caruncho-Bernardo sa lahat ng mga mag-aaral sa lungsod na nagtapos na may honors.
“Dahil number 1 ang kabataang Pasigueno, lahat ng with high honors (as per our Division Office of Pasig) na ga-graduate sa ating public and private schools sa Pasig ay makakatanggap ng premyong sneakers!” sabi ni Vice Mayor Bernardo sa kanyang Facebook post.
“Ito po ay para lalong ganahan ang ating mga kabataan na mag-aral ng mabuti. Maraming salamat po sa lahat ng mga magulang, guro at kabataan! Congratulations to all our graduates! We’re all very proud of you!” dagdag pa ng bise alkalde.
Kamakailan lang ay namahagi rin ng libreng Wifi Modem at P500 prepaid load si Vice Mayor Bernardo sa mga mag-aaral ng lungsod sa ilalim ng Balik Eskwela Raffle program.
Halos 60 units ng Wi-Fi Modem at 60 piraso ng P500 prepaid load cards ang kanyang ipinamahagi sa mga nanalo sa raffle.
Sinabi niya na layunin ng pa-raffle na ito na matulungan ang mga mag-aaral sa lungsod sa implementasyon ng distance learning.
Dahil sa naging matagumpay ang pamamahagi ng Wifi modem at prepaid load cards, sinabi ng bise alkalde na magkakaroon pa ng pangalawang bahagi nito.
Inihayag pa ni Vice Mayor Bernardo na magkakaroon din ng pa-raffle para sa senior high school (Grades 11 and 12) at college students.